Karapatang-art © 2001 ng Adarna House, Inc., Rene Villanueva, at Ibarra Crisostomo
Kuwento ni Rene Villanueva
Guhit ni Ibarra Crisostomo
Disenyo ng pagbalat ni Guia Anne Salumbides
BUOD
Alam ba ninyo kung bakit malalakas at mititibay angmga Filipina? Dahil ang lahat ng kababaihan ay mula kay Lola, na hindi lamang nagmamay-ari ng pinakamatibay na buhok, mayroon din siyang pambihirang tapang!
TUNGKOL SA MAY-AKDA
Si Rene ay awtor ng mahigit na limampung (50) klat pambata at isang Don Carlos Palanca Hall of Fame awardee. Isa siya sa mga orihinal na manunulat ng Aklat Adarna. Naging executive producer siya ng Batibotat creative director ng Philippine Children's Television Foundation.
PAGSISIYASAT
Kung mayroong isang babae sa aking buhay na aking lubos na ipinapasalamat, iyon ay ang aking ina. Bata pa man ako ay itinalaga na niya ang kaniyang sarili sa akin at sa sambahayan namin. Bagamat madalas na siyang napapagod sa paggawa ng kaniyang mga gampanin ay nananatili siyang matatag at nakatalaga sa kaniyang mga hangarin. Walang makapapalit sa kasipagan, pagmamahal, at sakripisyo niya sa amin.
Hindi man kaarawan o araw ng mga ina ngayon. Subalit, bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, nararapat para sa akin na bigyang diin ang tapang, katatagan, at lakas ng mga Filipina, lalo na ng mga frontliner na nagkakaisa sa pagsugpo sa kasalukuyang pandemya at ang mga bunga nito sa lipunang pandaigdig. Kahit saan ka mang panig ng daigdig, tiyak na mamamangha ka hindi lang sa likas na kagandahan ng Filipina kundi lalo na sa mga mabubuing asal na kanilang ipinamumuhay.
Ang katatagan at lakas ng Filipina ay ang paksang-diwa ng kuwentong pambatang ito. Isinasalaysay ng may-akda ang mga kahanga-hangang katangian ng Filipina sa pamamagitan ng isang lola. Sa kaniyang gulang na 105 taon ay lubos na mahaba ang buhok ng lola. Subalit, hindi hadlang ang haba ng buhok niya sa paglilingkod niya sa kaniyang pamayanan habang nananatili ang ngiti niyang may tuwang hindi maipagkakaila. Kahit sa mga pagtitipon sa pamayanan niya ay kahanga-hanga ang kaniyang buhok hindi lamang sa ganda ng pagkaayos nito kundi maging sa lusog na taglay niyon.
Sa gitna ng kuwento ay dumanas ng malakas na hangin at mga kulog ang pamayanan. Nawalan ng pag-asa ang mga mamamayan na sila ay makakaahon sa magiging pinsala ng mga kalamidad na iyon. Subalit, hindi natinag ang lola. Ginamit niya ang mga hibla ng buhok niya upang ipagtanggol ang bawat bahay at gusali sa kaniyang pamayanan. Kahit mayroon ding 15 na bagyong dumaan, ay naipagtanggol din niya maging ang mga hayop. Dahil dito ay nakaiwas sa pinsala ang buong pamayanan.
Sa totoong buhay, ang mga mabubuting kaugalian ng Filipina ay ikinikilala rin sa buong daigdig. Ayon sa ulat na ipinamagatang "Global Gender Gap Report 2020" mula sa World Economic Forum, ang bansang Pilipinas ay ika-16 sa buong mundo, ika-2 sa rehiyong "East Asia and the Pacific", at nangunguna sa buong kontinente ng Asya. Katunayan ito na iginagalang sa lipunan ang gampanin ng mga Filipina sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at politika. Kahit na bumaba ang Pilipinas sa kabuuang kalagayan sa daigdig ay positibo pa rin ang pagkilala sa mga Filipina.
Ikinikilala rin ng lipunang Pilipino ang kakayanan ng mga kababaihan. Maraming mga batas na kumikilala at gumagalang sa mga karapatan ng kababaihan gaya na ng RA 9262 (ang "Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2005), ang 'Anti-Rape Law' of 1997, at, kamakailan lang, ang RA 11313 (o ang 'Safe Spaces Act of 2019), isa sa mga batas na tumatangkilik sa RA 7877 (o ang "Anti-Sexual Harassment Act of 1995). Sa larangan ng politika at ekonomiya ay marami nang mahahalagang gampanin ang naisakatuparan ng mga kababaihan. Sa katunayan, ang Pilipinas ay nagkaroon na ng 2 babaeng pangulo (ang mga dating pangulong Cory Aquino at Gloria Arroyo), at patuloy na nagkakaroon ng mga kilalang professionals na mga kababaihan kagaya na ni Bb. Tessie Sy-Coson, pangalawang pangulo ng SM Investments, at si Bb. Lilybeth Rasonable, pangalawang pangulo ng Entertainment Group ng GMA Network, Inc.
Bilang pagkilala sa ating mga frontline worker ay hangad ko silang bigyan ng taos-pusong pagkilala sa kanila, lalo na sa mga kababaihang nurse. Patuloy ninyong ipinapalaganap ang mapagmalasakit na kalinangan nating mga Pilipino sa pamamagitan ng inyong pangangalaga sa kalusugan ng iba. Bilang isang mag-aaral na magsisimula ng kolehiyo sa larangan ng nursing ay ikinararangal ko kayo hindi lamang dahil sa inyong pagtatalaga at dedikasyon sa inyong larangan kundi maging sa pag-iingat ng ating maganda at kahanga-hangang kalinangan natin kahit saan man dako kayo ngayon.
Mabuhay ang Filipina!
Mga sanggunian:
6) Global Gender Gap Report 2020 by the World Economic Forum: http://www3.weforum.org/docs/WEF_GGGR_2020.pdf/
YOO!! Well written Hans!!! I loveddd this!
ReplyDeleteThank you! Glad you liked it!
Delete