Karapatang-ari © 1995 Adarna House, Inc.
Kuwento ni Augie D. Rivera, Jr.
Guhit ni Kora D. Albano
BUOD
Isang orihinal na kuwento tungkol sa alamat ng ampalaya, pinupukaw nito ang imahinasyon ng mga bata at binabalaan sila sa kasamaang dulot ng pagkainggit at kasakiman.
TUNGKOL SA MAY-AKDA
Ang ideang magsulat ng orihinal na kuwento tungkol sa ampalaya ay lumitaw nang maisip ni Augie na ang gulay na ito ay wala sa kilalang awit na Bahay Kubo. Mula nang inilimbag ang kuwentong Ang Alamat ng Ampalaya, nakapagsulat na siya ng mahigit 15 kuwentong pambata. Makailang ulit na rin siyang nagwagi ng Gantimpalang Palanca para sa kaniyang mga kuwentong pambata sa Filipino at sa Ingles. Isa siya sa mga tagapagtatag ng KUTING (Kuwentista ng mga Tsikiting), isang grupo ng mga Filipinong manunulat ng kuwentong pambata.
Pinagmulan: Goodreads
PAGSISIYASAT
Para sa karamihan ng mga Pilipinong kagaya ko na lumaki sa purong sambahayang Pilipino, payak sa amin na kuwentuhan kami ng aming mga magulang at mga nakatatanda ng mga samu't-saring kuwento. Dahil sa mataas ang pagtingin namin sa aming mga magulang at mga nakatatanda, naging at nananatiling karapat-dapat sa amin ang pakikinig sa kanilang mga kuwento kahit gaanong fancy ang mga iyon. Kahit gayon ay nakapagturo ng mga mabubuting asal sa amin ang mga kuwentong kanilang ibinabahagi sa amin. Sa katotohanan, ang karamihan ng mga iyon ay nagsisilbi rin bilang mga babala sa anong maaaring mangyari kung kami ay mamumuhay ng hindi marapat.
Sa mga kuwentong kinalakhan kong pakinggan, isa sa nagpamangha sa akin ang mga alamat. Bata pa man ako noon ay mausisa na ako sa kung paano nangagkatawang-laman ang mga bagay-bagay sa mundo, at madalas na sagutin ng mga alamat ang mga tanong ko kahit gaanong kakaiba ang mga ito. Dahil binibigyang halaga ang oral storytelling sa lipunang Pilipino ay lumaki akong nakinig sa mga alamat ng iba't-ibang halaman at prutas gaya na ng saging, pinya, at ng sampaguita. Ngayon ay bibigyang pansin ko ang alamat ng isang gulay na kilalang-kilala sa kaniyang mapaklang lasa.
Nakamamangha ang alamat ng ampalaya. Hindi man ito kagaya ng mga alamat na naibahagi sa pamamagitan ng pananalita daan-daang taon na ang lumipas. Ang kathang-isip na ito'y bumangon sa pagkatanto ng manunulat na wala pala ang ampalaya sa kilalang awit na "Bahay Kubo", at ito'y hindi ko rin napansin hanggang sa nabasa ko ang tungkol sa alamat na ito. Sa pamamagitan ng musmos na kathang-isip na iyon ay nakagawa ang manunulat ng isang alamat na kamakaila'y makakahiligan ko rin.
Madalas na nahihirapang makisalamuha sa iba ang mga taong walang ginhawa sa kanilang mga katawan. Ang alamat na ito'y tumutukoy sa ampalaya noong siya'y biglang umusbong sa pamayanan ng mga kapwa-gulay na kagaya niya. Dahil sa kawalang-tiwala ng ampalaya sa kaniyang sarili bunga ng kaniyang mabuhok na katawan at matabang na lasa ay pilit niyang ihiwalay ang kaniyang sarili sa iba. Hinangad niya na maging pinakamagandang gulay sa buong pamayanan, kung kaya't hinangad niyang nakawin and pinakamagagandang katangian ng iba't-ibang mga gulay. Nagbunga ito sa pagiging gulay ng samu't-saring kulay na may hitsurang payaso.
Subalit, naging dahilan ang kasamaan ng ampalaya sa kaniyang pagkahatol. Ang lahat ng mga katangiang ninakaw niya sa mga gulay ay naghalo-halo sa katawan niya. Bagamat mukhang ligtas sa parusa ang ampalaya noong una ay tuluyang nangiba na rin ang kaniyang katangian—makunat, kulay luntian, at mapakla. Naging masaya ang loob ng ampalaya nang tanggapin niya ang bunga ng kaniyang pagkakamali.
Ngayon, maaaring hindi kita mahikayat na kumain ng ampalaya, ngunit sana'y mabigyang tawad mo rin ang ampalaya sa kaniyang pagkakamali kapag nakakita ka noon. Maaaring nawalan tayo ng tiwala sa sarili natin dahil sa mga kahinaan. Gaya ng pagmamahal ng ampalaya sa kaniyang sarili sa gitna ng mga kahinaan niya ay dapat mahalin din natin ang ating mga sarili lalo na't kasalukuyan tayong namumuhay sa hindi pangkaraniwang pagkakataon. Huwag nawa sanang makahadlang ang ating mga kahinaan at kapintasan sa pananatili ng matatag at payapang paraan ng pamumuhay.
No comments:
Post a Comment